Kalamidad Sa Pilipinas Essay About Myself

BAGYO NA NAMAN, O KAY HIRAP NG BUHAY,                         English Version
BAGYO! BAGYO! BAGYO! Na naman muli.          
by Jose Ramon G. Albert, Ph.D. 1

Ang mga panganib dulot ng kalikasan tulad ng mga bagyo, baha, tagtuyot, pagguho ng lupa, lindol, pagputok ng bulkan, buhawi, pagtaas ng tubig sa dagat at tsunami ay pawang pwersang pisikal na maaring magdulot ng malalaking sakuna at kalamidad kapag ang mga ito’y tumama sa matataong lugar. Ang mga sakuna2 at kalamidad na hindi kagagawan ng kalikasan kundi ng tao. Masasabi natin ito dahil maiiwasan naman sana ang mga sakunang ito kung mailalayo ang mga mamamayan sa mga ganitong panganib at kung itutuon ang pansin natin sa kung paano mababawasan at maiiwasan ang ganitong panganib na dulot ng bagsik ng kalikasan. Kung ang sakuna at kalamidad ay hindi maiiwasan, maari namang mabawasan ang malaking panganib at perhuwisyo nito sa mga tao. Ito ay mangyayari kung maagap na malalaman, kung sino-sino at saan matatagpuan ang mga taong maaring maapektuhan ng ganitong mga sakuna. Mas maagap na pagkilos, mas kakaunti sana ang mapeperhuwisyo.

Ang mga lindol at mga sakunang dulot ng klima o climate disasters ay pangkaraniwang nagaganap sa ating bayang Pilipinas.  Sa katunayan, ayon sa World Risk Report 20123, ang Pilipinas ay pangatlo sa mga bansa sa mundo na malimit magkaroon ng mga sakuna. Una at pangalawa sa listahang ito ay ang mga maliliit na islang bansa sa Pasipiko tulad ng Vanuatu at Tonga.  Ito ay dahil sa ang mga bansang nabanggit tulad ng Pilipinas ay may mataas na “exposure” sa mga natural na kalamidad. Dahil sa regular na pagdating ng mga bagyo na nararanasan sa ating bansa, ang mga linya sa awiting pamasko na pinamagatanang “Pasko na naman” :  “Pasko na naman, O Kay tulin ng Araw. Paskong nagdaan, tila ba kung kailan lang … Pasko! Pasko! Pasko na naman muil ay maaring mapalitan ng “Bagyo, Bagyo..na naman..”  Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang “annual average frequency of tropical cyclones” na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay umabot sa 19 mula noong 1948 hanggang 2011 (Table 1).

Ang bagyong Pablo (international name Bopha) ang ika-16 na bagyo o tropical cyclone na pumasok sa PAR sa loob ng taong ito. Ayon sa PAGASA, tumama ang bagyong Pablo sa Mindanao, dala ang pinakamalakas na hanging umabot sa 185 kph at 500 kilometer wide rain band at itinuring na “super typhoon” at pinakamalakas na bagyong humagupit sa Mindanao sa loob ng dalawang dekada.   Bagamat hindi halos nagbabago ang dami ng bilang ng mga bagyong pumapasok sa bansa, ang katangian o anyo ng panganib na dulot nito ay nagbabago:

  • Ang bagyong Sendong na tumama sa Mindanao noong December 2011 ay kinukonsiderang mahinang bagyo subalit nagdala ito ng malakas na ulan sa loob ng isang araw sa bilang na 180 mm (total accumulated rainfall).  Pero tandaan rin natin na noong November 18, 1968, binasa ng 564.7 mm na ulan sa loob lamang ng 24 oras ang Surigao (Table 2).
  • Ang bagyong Sendong ay kumitil ng 1,257 buhay ng tao at nakapaminsala ng halagang PhP 2.068 bilyong piso. Samantalang ang bagyong Pablo (ayon sa huling ulat) ay nagdulot ng kamatayan ng 906 tao at perhuwisyo sa ari-arian sa halagang  PhP 15.1 bilyong piso.

 

Bagyo, patuloy ang pagbayo

Mula 1948-2011, ang kabuuang bagyo na pumasok sa PAR ay umabot sa 1,234. Sa bilang na ito, 270 ay tinatawag na “tropical depression”, 354 “tropical storms”, 610 ay kinokonsiderang “typhoon” (Table 3). Ang bagyong Uring (international name Thelma), na pumasok sa bansa noong 1991 at may pinakamalakas na hanging umaabot lamang sa 95 kph (kategorya: tropical storm), ang itinuturing na pinakamapanganib dahilan sa bilang ng namatay na umabot sa  5,101 katao at malaking pinsala sa aria-arian na umabot sa 1.045 bilyong piso. (Table 4)

Sa nakalipas na limang taon, mula 2008-2012, ang Pilipinas ay malimit kasama sa tatlong nangungunang bansa na may pinakamaraming bilang ng “natural disaster “ (ayon sa Center for Research on the Epidemiology of Disasters, CRED, Annual Disaster Statistical Review).4  Ang pinakamalimit sa sakunang ito ay ang tinatawag na “hydrometeorological disasters” (na kinabibilangan ng mga bagyo at pagbaha).

  • Ayon sa Emergency Event Database (EM-DAT)5 ng CRED., ang kabuuan bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa bagyo mula 1983 hanggang 2012 ay umabot sa 24,281 samantalang 2013 naman ang mga namatay dahil sa baha.  Aabot sa 33.0 porsyento nito ay namatay sa bagyo samantalang 28.0% ay namatay sa baha mula 2003-2012.  (Table 5 at 6)

  • Mula 1983 hanggang 2012, ang dami ng populasyon na naapektuhan ng bagyo ay umabot sa 99.6 milyon samantalang 14.9 milyon naman ang naapektuhan ng pagbaha. Aabot sa 45.0 porsyento ng mga naapektuhan ng bagyo at mahigit 59.0 poryento na mga naapektuhan ng pagbaha ay naitala noong 2003-2012. (Table 5 at 6)
  • Ang pinsalang pang-ekonomya na dulot ng mga bagyong tumama sa Pilipinas mula 1983 hanggang 2012, ay umabot sa halagang US $5.9 bilyon habang aabot naman sa US $1.2 bilyon ang dulot ng mga pagbaha. Mahigit sa 45.0 porsyento ng mga pinsalang ito ay dahil sa bagyong humagupit mula 2003 to 2012 samanatalang mahigit sa 28.0 poryentoi ay dahil sa mga pagbaha.(Table 5 at 6)

Nagbabagong klima, nagbabagong padron

Sa apat na comprehensibong mga report na ginawa ng Intergovermental Panel on Climate Change (IPCC), lumalabas na sa nakalipas ng isa at kalahating siglo ang “global average surface temperature” ay tumaas.  Ang “global warming” na ito ay hindi lamang dapat diretsong iugnay sa likas na pangyayari. Sinasabi sa 2007 IPCC Report na ang temperatura ng mundo ay umakyat sa 0.76°C sa loob ng 150 taon, na kung saan ang malaking dahilan nito ay resulta ng tinatawag na “human induced greenhouse gas (GHG) emissions”.  Pinaigting ng special IPCC report (2012) ang kaugnayan sa pagitan ng human-induced climate change at ng extreme weather at climate events6.

  • Katulad ng ibang bansa, ang Pilipinas ay nakararanas din ng pagtaas ng temperatura.  Ang temperatura ng ating bansa ay tumataas bawat taon sa bilis na 0.65°C sa pagitan 1951 hanggang 2010 o may average na 0.0108°C per year-increase. Ang bilis ng pagtaas ng temperatura sa loob ng nakalipas na 30 taon (0.164°C per year) ay masasabi ding mas mabilis kumpara sa “long term rate increase”. Tumataas din ang dami ng mga araw na kung saan mainit ang panahon sa maghapon at maalinsangan sa gabi. Dagdag rito, bumababa naman ang bilang ng mga araw na malamig ang maghapon pati ang gabi 5. (Figure 1)
  • Sa pagtaas ng temperatura, napag-alaman sa isang panunuri nina  Thomas, at iba pa. (2012) na may ebidensyang nagsasabi na ang mas malakas na pag-ulan ay maiuugnay sa “tropical cyclones” sa nakalipas na dekada. Karaniwan, ang dami ng ulan sa loob ng isang araw ay katumbas o mas mahigit sa climatological average sa mga buwan na kung kailan dumarating ang mga bagyo (tulad ng nangyari sa mga bagyong Ondoy at tropical depression na Violeta at Winnie). Sa isla ng Luzon, naitala ang maituturing na pataas na bilang ng mas maraming malalakas na pag-ulan (at least 350 mm rainfall) sa nakalipas na dekada kumpara sa 275 mm rainfall noong 1960s at 1970s. (Figure 2)

  • Dagdag pa, napag-alaman nina Thomas at iba pa (2012), na ang daang tinatahak ng mga bagyong dumarating sa Pilipinas ay nag-iiba. PInakikita na ang “running average “ ng bilang ng mga tropical cyclones na pumapasok sa Pilipinas sa loob ng 30 taon ay may bahagyang pagtaas sa kabisayaan noong 1971-2000 kumpara noong 1951-1980 at 1961 - 1990. Nagbago nga ang landas ng mga tropical cyclones at ang mga ito’y tumatahak patungong kanlurang bahagi ng Pilipinas (Figure 3)

Marami ang nagsasabi na ang mga pagbabagong ito sa katangian ng panganib ay bahagi ng resulta ng “climate change” na kagagawan ng tao. Kaya naman, ang delegasyon  ng ating bansa sa Climate Change meeting na ginanap sa Doha ay gumamit ng makabagbag damdaming lengguwahe upang makatulong na makumbinsi ang mundo na malimitahan ang GHG emissions. Sa kasamaang palad, may ilang bansa lalo na yaong malalakas na magbuga ng GHG emissions ay hindi maasahang makiisa sa paglimita nito.  May ilan ding naniniwala na ang kinagawiang GHG emissions ay maaring magpatuloy nang walang kaukulang kapalit na pangyayari. Tulad halimbawa ng mga kaukulang alituntunin o policies ukol sa population management at risk reduction na hindi pa naisasakatuparan. Bilang isang biktima ng bagyong Ondoy noong ako ay nakatira pa sa Provident Village, hindi ko maunawaan kung bakit pinayagang makapagtirik ng mga bahay ang mga tao sa lugar na binabaha at mapanganib sa panahon ng kalamidad.  Kailangan nating tingnan ang mga estadistika at maunawaan na hindi tayo pwedeng makapagbigay ng solusyon sa problema, kundi natin alam ang ugat na pinanggagalingan nito. Mga kaibigan, kailangan natin ang pagbabago at kailangan nating kumilos nang mabilis. Sabi nga ni Sister Stella LKung di tayo kikilos, sino pa? Kung di ngayon, kailan pa?

Tingnan natin ang sinasabi ng mga estadistika.  Alamin natin kung ano ang nasa likod nito at higit sa lahat, gawin natin ang nararapat. Kung hindi, mararanasan din natin ang sakit at hirap ng hagupit ng kalamidad na bunga hindi lamang ng kalikasan, kundi higit ng kagagawan ng tao o kakulangan sa tamang pagtugon. May kasabihan nga  “Sa ngitngit ng kalikasan, lintik lang ang walang ganti.”

 

 

________________________________

1 Secretary General ng Pambansang Lupon sa Ugnayang Pang-Estadistika (National Statistical Coordination Board, NSCB). Ang NSCB ay ang pinakamataas na pampatakaran at pang-koordinasyong ahensiya sa larangan ng estadistika sa Pilipinas na may tungkulin naka-ugnay sa National Economic Development Authority (NEDA). Bago siya naitalaga bilang Secretary General ng NSCB, si Dr. Albert ay isang Senior Research Fellow ng Surian sa mga Pag-aaral Pangkaunlaran ng Pilipinas (Philippine Institute of Development Studies, PIDS), isang pampatakarang “think tank” na naka-ugnay sa NEDA. Nagtapos bilang summa cum laude sa kursong Bachelor of Science sa Applied Mathematics sa Unibersidad ng De La Salle si Dr. Albert noong 1988. Natapos niya ang kanyang Master of Science sa Estadistika noong 1989 at Ph.D noong 1993 sa State University ng New York sa Stony Brook. Sa kasalukuyan, siya ay isang adjunct faculty ng Asian Institute of Management. Siya rin ay naging pangulo ng Philippine Statistical Association, fellow ng Social Weather Stations at halal na regular na kasapi ng National Research Council of the Philippines.

Nag-ambag din sa pagbuo ng artikulong ito si Edward Eugenio P. Lopez-Dee, Statistical Coordination Officer VI ng NSCB. Sa layuning maipaliwanag ang estadistika sa ating mga kababayan, ang orihinal na artikulo na nasa wikang Ingles ay isinalin sa wikang Filipino ni Ruben V. Litan, SCOIV ng NSCB. Pinasasalamatan ng mga may akda sina Genesis G. Cuizon, Ms. Marietta V. Gumela, Ma. Libertie V. Masculino, and Dennis E. San Diego, SCO I, SCO III, SCO IV, at Artist/Illustrator ng NSCB, ayon sa pagkakasunod-sunod, sa pagtulong nila para mailathala ang artikulong ito. Ang mga punto’t pananaw na naihayag sa artikulong ito ay pawang sa mga may akda lamang at hindi mula sa NSCB at mga teknikal staff nito.

2 Ayon sa Center for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED) ang disaster ay “sitwasyon o pangyayari na puspusang nagdudulot ng pagbaba ng local na kapadidad, para mangailangan ng tulong mula sa labas ng lokalidad ; isang hindi inaasahan at madalas biglaang kaganapan na nagdudulot ng malakas na pinsala, pagkasira at pagkahirap ng mga tao”.

3 Beck, Michael W., Christine C. Shepard, Jörn Birkmann, Jakob Rhyner, Torsten Welle, Maximilian Witting, Jan Wolfertz, Jens Martens, Katja Maurer, Peter Mucke, and Katrin Radtke. World Risk Report 2012. Alliance Development Works

4 Ang CRED ay aktibo nang di kukulangin sa 35 taon ng pag-aaral sa larangan ng mga pandaigdigang sakuna at conflict health studies na may kaagapay na pananaliksik at pagsasnay na nag-uugnay sa relief, rehabilitasyon at pag-unlad. Itinatag ito sa Brussels noong 1973 sa School of Public Health ng Catholic University of Louvain (UCL) bilang isang non-profit na institusyon na may pandaigdigan status sa ilalim ng batas ng Belgium. Noong 1980, ang CRED ay naging collaborating center ng World Health Organization bilang bahagi ng WHO Global Program for Emergency Preparedness and Response. Mula noon, lumawak ang mga internasyonal na network nito at nakikipagtulungan sa maraming ahensya ng UN, iba't ibang ahensya ng mga gobyerno at mga non-governmental organizations, research institutes at mga pamantasan. Isa sa mga inilimbag ng CRED ay ang Annual Disaster Statistical Review.

5Maari itong ma-access sa http://www.emdat.be/

6Thomas, V., Albert, J. R and Perez, R. 2012. Climate – Related Disasters in Asia and the Pacific. A working paper, September 2012.

 


comments powered by

 

Table 1:Annual Frequency of Tropical Cyclone
in the Philippine Area of Responsibility (PAR)
1948 - 2011

YearNumber of Tropical CycloneRatio
(Landed/
Total)
Rank
TotalLanded/
Crossed
194820110.550027
19492290.409116
19501550.333351
19511380.615459
195227160.59263
195318100.555638
19541890.500038
19551540.266751
195625120.48005
19571590.600051
19581740.235341
19591970.368432
19601980.421132
19612380.347810
19622170.333320
19631660.375047
196431150.48392
19652170.333320
196623130.565210
19672190.428620
19681560.400051
19691550.333351
197021130.619020
197127160.59263
19721760.352941
19731290.750062
197423130.565210
19751560.400051
19762250.227316
197719100.526332
197825100.40005
197922130.590916
198023160.695710
19812380.347810
19822190.428620
198323100.434810
19842080.400027
19851780.470641
198621110.523820
19871670.437547
19882090.450027
19891990.473732
19902060.300027
199119110.578932
19921540.266751
199332190.59381
19942590.36005
199516100.625047
199617100.588241
19971440.285758
19981160.545563
19991670.437547
200018100.555638
200117100.588241
20021360.461559
200325120.48005
200425100.40005
20051770.411841
20062090.450027
20071340.307759
200821110.523820
200922110.500016
20101120.181863
20111980.421132
     
Average1990.4593 

Sources: PAGASA Website for 1948 to 2006; www.typhoon2000.com for 2007

 

Table 2: Greatest 24-Hr. Rainfall during the Passage of Tropical Cyclones:
1951 - 2010

Tropical Cyclone NameStationGreatest 24-HR Rainfall (MM)Date of Occurrence

Duration

TY FeriaBaguio1,085.807/04/01Jul 02 - Jul 05
Ty IliangBaguio994.610/14/98Oct 10 - Oct 16
TY TriningBaguio979.410/17/67Oct 14 - Oct 19
TY SusanBaguio781.410/11/74Oct 09 - Oct 12
TY TriningBaguio760.010/27/91Oct 20 0 Oct 31
TY DitangBaguio730.305/15/80May 10 -  May 20
TS ChedengDagupan722.605/27/03May 25 - May 29
TYGadingBaguio709.607/09/86Jul 06 - Jul 10
TY Aring Baguio698.711/05/80Nov 01 - Nov 07
TY WeningBaguio678.810/28/74Oct 25 - Oct 29
TD SisangAlabat673.012/27/75Dec 26 - Dec 28
TY NitangBaguio649.709/28/68Sep - 23 Oct 01
TY DidangBaguio605.305/25/76May 12 - May 27
TS AringMasbate603.512/04/76Dec 02 - Dec 07
TY RemingSurigao564.711/18/68Nov 12 - Nov 22
TY CoraBaguio546.611/17/53Nov 12 - Nov 19
TY OsangBaguio536.307/25/80Jul 20 - Jul 26
TS MidingBaguio534.208/23/78Aug 20 - Aug 27

Source: Climate Data Section, Climatological and Agrometeorology, PAGASA, DOST

 

Table 3: Distribution of Tropical Cyclones by Category
in the Philippine Area of Responsibility (PAR):
1948 - 2011

YearJanuaryFebruaryMarchAprilMayJuneJulyAugustSeptemberOctoberNovemberDecemberAnnual
TDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTDTSTYTotal
1948001000000000100000201001030200411102104620
1949001000000000000011113101112003021002351422
195000000000000000002012000111002100200127514
1951000000000000001001001202002001001002201113
1952000000000000000212011003121013004122471627
1953000001000000001011000014002101021110251118
1954000000010000001000001222002102003010341118
195501001000000100000010101200111200100124915
1956000000001011000000211013104001104201631625
1957011000000001000101001101003021001000231015
1958001000000000000001004012102002201000311317
1959000010010000000000001013011013102002151218
1960100000000001010011002123010003000002251219
196101001000100000121112220001301001010168923
1962000010000000020000103114202001003000441321
196300000000000000102111210101200100002026816
1964000000000000110001414122014012021101781530
1965110010010000002011114101012100001000461121
1966000000000001102001322001012110020101661022
1967000010001001010101022221000002003010371121
1968000010000000000002020021003001003000051015
196900000000000110000011200211200101000133915
197000000100000000011110111212102210110066921
19711000000100211110031030110120411010004101327
197210100000000000010121110131010000100192617
197300000000000000010010112101000301000

Noong ika – pito ng buwan ng Nobyembre ng taong 2013, ang Republika ng Pilipinas ay nakaranas ng hagupit ng isang malakas na bagyo na may pangalang local na “Yolanda” at pangalang internasyonal na “Haiyan”. Humagupit ito sa iilang kapuluan ng Kabisayaan na nag-iwan ng Kalunos-lunos na trahedya tulad ng pagkasira ng mga impraestruktura, at buhay ng mga kababayan nating Bisaya. Ang lawak ng bagyong ito ay sinakop ang buong Pilipinas. May lakas ito ng halos ika-anim na uri ng Hurricane ayon sa mga Amerikano at ito na ang pinakamalakas na bagyo na naitala sa buong kasaysayan ng mundo.

Dahil sa hagupit ng Bagyong Yolanda, nakaranas tayo ng Pambansang kalamidad. Marami ang nagdusa. Nakita ito ng buong mundo kaya ang mga iba’t ibang bansa at organisasyong pandaigdigan ay sumugod para tumulong. Nakatanggap tayo ng napakaraming tulong mula sa kanila sa anumang paraan. Pero, ang iilan sa kanila ay pilit inilalayo nila mula sa pamahalaan ang tulong na para sa mga nasalanta. Bakit? Kasi sa irresponsabilidad ng pambansang pamahalaan na rumesponde sa mga nasalanta nang agaran tulad ng pag-responde nang agaran ng ibang dayuhang pamahalaan sa panahon ng kalamidad. Pilit na isinisisi nito ng pambansang pamahalaan sa mahihirap, mahihina at nasalantang lokal na pamahalaan ng mga lugar na binagyo samantalang sira na ang buong sakop ng mga ito. May kakulangan din ang mga ito sa mga equipment na makakatulong sa pagkuha ng mga nakakalat na labi ng mga namatay sa bagyo at sa mga nakaharang nan a kalat sa mga kalsada na magagamit sana sa paghatid ng mga tulong sa mga nasalanta.

Ang hindi naiintindihan ng pamahalaang pambansa ay walang malakas na awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan kaya mahihirap at mahihina lamang ang mga ito. Nasalanta rin ang lokal na pamahalaan at sila pa ang humihihingi ng tulong mula sa pambansang pamahalaan. Hindi rin makacommunicate ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pambansang pamahalaan tungkol sa mga tulong na kailangan nila dahil nawalan din ng linya ng komunikasyon sa mga nasalantang lugar ng iilang araw. Dapat kasi, rumesponde na agad ang pambansang pamahalaan kahit nung hindi pa binabagyo ang mga lugar na binagyo at nagpadala na ng kakailanganing tulong para hindi na sana masyado naghirap ang mga lokal na pamahalaan at ang mga taong sakop nito. Tsaka, kung meron lang ding sapat na awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Region-based decentralization edi sana, nakapaghanda na rin ng maayos ang mga ito sa una pa lamang.Mabilis din dapat na rumesponde ang pamahalaang pambansa at naipadala na dapat ang ikalawang sapat na supplies at generator sa mga lokal na pamahalaan lalung-lalo na sa mga ospital. Matuto rin sana tayo sa mga naunang kalamidad doon sa bansang Hapon at Amerika sa kung paano sila rumesponde pagkatapos ang kalamidad, buti pa doon organisado ang pagresponde. Hindi din dapat puro sisihan na lamang sa mga lokal na pamahalaan ang mabagal na pagresponde ng mga ito dahil sa nasalanta rin ito ng bagyo at dahil responsibilidad na rin ng pambansang pamahalaan ang pamamahagi ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo.

Nakita rin natin na may kawalan din ng seguridad ang pagpapadala ng tulong sa mga binagyong lugar kaya muntikan na rin itong sugurin ng mga rebeldeng komunista at iilan pang armadong grupo na papabalita sa telebisyon. Nagkaroon pa ng kaguluhan sa mga iilang lugar tulad ng Tacloban na parang walang namumuno doon. Dahil na rin ito sa nasalanta ang lokal na pamahalaan na bahagyang nagdulot ng pansamantalang pagkaparalisado nito. Dapat ding kasi, nagpadala na rin ng maraming sundalo at karagdagang pulis sa mga lugar na binagyo para mapanatili ang kaayusan doon nang agaran kahit nung unang araw pa lamang pagkatapos masalanta ng bagyo ang mga lugar na iyon.

Karapat-dapat na ituring nating Pambansang Kalamidad ito dahil sa laki ng epekto na iniwan ng bagyong ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabangon ang mga nasalanta at karamihan sa kanila ay nag-evacuate na sa ibang lugar dahil sa kalunos-lunos na iniwan ng bagyong Yolanda doon. Mas mapapabilis din ang pagbangon ng mga lugar na nasalanta kung walang mga pang-ekonomiyang paghihigpit sa pagmamay-ari ng negosyo na nakasaad sa saligang batas dahil ang mga Lokal na namumuhunan ay hindi sapat dahil sa napakalaking pagkaluray at pagkawala ng impraestraktura na nagreresulta mula sa mamamatay-bagyong ito. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga tulong mula sa iba’t ibang bansa at sa ngalan ng aking mga kababayan, ako’y lubos na nagpapasalamat sa mga tulong na iyon.

* * * *

Kung nais niyo pong malaman kung anu-ano nga ba ang ginawa dapat ng Pangulo ng Pilipinas matapos tumama ang bagyo, basahin na lang po ito.

* * * *

Si Charles Judiel Baynas ay isang mag-aaral ng ika-apat na taon sa  paaralang sekundarya taong 2013-2014 sa Greenland Academy, Cainta, Rizal na sa murang edad ay may interes at kaalaman sa mga bagay na may kinalaman sa araling ekonomika, agham pampulitika, kasaysayang pandaigdigan at kasaysayang Pilipino. Siya ay isang aktibong kasapi ng Kilusang CoRRECT™ at naitalaga bilang isa sa mga taga-organisa ng Youth wing ng nasabing kilusan.

Bilang anak ng isang OFW, namulat siya sa kahirapan na nararanasan sa Bansang Pilipinas dahil sa kakulangan ng trabaho sa loob ng bansa na siyang dahilan ng kaniyang pansamatalang pagkawalay sa kanyang ina na nagtratrabaho sa ibang bansa bilang O.R. Nurse. May hangad siya na magbago ang paraan ng pamamalakad sa Pilipinas para sa ikauunlad ng bansa. Siya ay isang Federalistang Pilipino.

Written by: Charles Judiel Baynas

You may also like these posts:

This entry was posted in Economic Liberalization, Evolving Federalism, Feature and tagged Bagyo, Haiyan, Hurricane, Tacloban, Typhoon, Yolanda by Charles Judiel Baynas. Bookmark the permalink.

One thought on “Kalamidad Sa Pilipinas Essay About Myself

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *